Miss, do you understand ?

"Eh di hiwalay kung hiwalay!". Karaniwang dito napupunta na nagmula lamang sa isang maliit na misunderstanding. Nagtalo. Isinarado ang isip ganon din ang puso sa pag alis.  Nakakalungkot ano po?

Natural sa atin ang laging naliligaw at mali ang pagka intindi sa mga salitang nakapa loob sa mga pangungusap, sinabi man o isinulat, lalo na kung ito ay may ibang kahulugan, highfalutin o isang jargon.

Napakadaming hiwalayan na sa buong mundo ang nangyari dahil lamang sa mali ang pagkakaintindi o mali ang paggamit ng mga salita sa pangungusap. Katulad na lamang ng salitang SENSITIVE  Isang adjective/pang uri na ang ibig sabihin ay ang kakayahan ng isang tao na maintindihan kung ano ang nararamdaman ng iba o kaya naman ay isang katangian na madali tayong naaapektuhan sa mga iniisip at sinasabi sa atin ng iba. Pansinin natin na dalawa ang kanyang ibig sabihin. Huwag na natin isama ang ibang meaning nito kapag ito ay isang NOUN.  Hahaba at mas lalo lamang nakakalito.

Ang unang kahulugan ay ginamit na positibo at ang pangalawa ay ginamit na medyo negative ngunit maliwanag na hindi lamang dapat ito iniintindi sa pangalawang kahulugang nabanggit. Out of context na maliwanag kapag ganon sapagkat ang naunang meaning ay may kinalaman sa tinatawag nating EMOTIONAL QUOTIENT (EQ)

Ang isa pang halimbawa ay ang salitang WEAKNESS.

"What are your weaknesses" tanong ng interviewer sa isang babaeng teenager na naga apply sa isang BPO.  Confident at walang kagatol gatol nya itong sinagot ng
 " Well Mam, I am fascinated with cute, hot, smart and hunk guys and i consider them as one of my weaknesses.... but....but and but Mam,  my greatest weakness is a  pistachio flavored ice cream and i prefer to eat it kasama mga guys whom i have mentioned a while ago".  "Super weakness ko po talaga iyan Mam".
Tumambling tuloy ung interviewer. Maghintay na lamang daw ng tawag after 48 years. Uhm, loko.
"Next" sabi ng interviewer. Banat naman ng brief and concise na sagot ang sumunod na applicant,
"I don't have weaknesses Mam because I consider myself strong!".  Wow!
Brief and concise and out of context. Mali ang pagkakaintindi. Kaya ayon. Maliwanag na tengga.

Mahalaga din na alam natin kung anong klase at nasaang conversation ba tayo.  Kung usapan kirihan lamang ng grupo ng mga studianteng batang babae sa library o sa canteen eh maaari pa siguro ang sagot na iyon. Kaso job interview naman kasi.

Ganon din ang salitang EGO. Sa perspektibong relihiyon/simbahan  ay ginagamit na negatibo ito, ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ito ay nagmula bilang isang positibong salita. Ito ang isa sa tatlong bahagi ng psychic tools sa sikololohiya. Ito yong may kinalaman sa iba't ibang uri ng Depensa Mekanismo nating mga tao
(Ayon kay Sigmund Freud).  Ang ID, EGO at SUPER EGO. Noon daw mga bata pa lamang tayo, kapag gusto natin ng candy ay umiiyak tayo at sigaw ng sigaw at kapag hindi ito ibinibigay sa atin ng mga magulang natin ay ito ang ID na tinatawag. Wala tayong pakialam. Raw and savage.  Nagtatambling. Bata nga kasi. Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip tayo at hindi na candy ang gusto natin kundi pizza na at chicken at kapag nais natin ito pero wa
hindi natin makain at nagsisisigaw at nagmamaktol pa rin tayo ay to the rescue ang EGO super kuda a
ng litanyang ito upang maisalba ang sarili natin sa kahihiyan;

"Hindi ka maaaring mag sisigaw at manisi habang buhay porket hindi mo makuha at makain ito.   Diahe ka at nakakahiya.  Magtrabaho ka upang makain mo ang gusto mo, mahiya ka naman sa sarili mo. Pilit mong hilahin ang buntot mo kahit  tapak tapak nila ito. Sulong! Buntot mo ay hila mo dapat. Iangat mo mga paa nila kung ayaw nila bumitaw sa pagkatapak sa buntot mo. Namimisinterpret ka lamang tuloy ng mga psychologists. Perpekto ang mga iyan kaya wala kang laban sa kanila. Balang araw ay makakain mo din yang gusto mong iyan. Sa ngaun ay impusibli. Binabakuran ito ng mga la russo at la russa. Darating ang araw ay masisilindro mo din ang hita ng manok na yan.  I-deep throat mo pa kung gusto mo. Pera pera lamang ang lahat para mabili mo ang nais mong kainin. Mantakin naman kasi kahit amoy alimuom at amoy ihi ng paniki eh type mo pa ring kainin pizza at chicken na yan. Pero gusto mo yan eh kaya kapit lang muna.  Mananamnam mo din yang pizza na yan. Yang chicken na yan. Patience is a virtue muna. Kapag madami ka ng salapi ay wala ng patience is a virtue. Sunggab agad. Pero hindi pa sa ngayon.
Tahan na. Nakakahiya ka. Mapagkamalan ka pang katok ng simbahang Katoliko.  Magtrabaho ka muna dito at pumunta ka sa ibang bansa at mag ipon ka doon ng madaming madaming salapi at ng isang katerbang lakas.
Pagkatapos balikan mo iyong gusto mong kainin. Bayaran mo ang haharang. I bribe mo rin. Uso naman un. Mga kaibigan mo nga ay pinagba bribe para lamang insultuhin ka eh diba? Pero huwag kang magtaka. Kasi hindi mo sila tunay na mga kaibigan.
Kaya huwag umungot ng umungot jan. Double pang pizza at isang bucket na chicken ang makakain mo. Ipamukha mo sa kanila na kaya mong kainin ang binakuran nila at ipinagkait sa'yo at pinakialaman Ipamukha mo rin sa harapan nila na nginunguya mo ang type ng appetite mo na ginamit nila at nilagyan ng lason upang hindi mo makain. Isang pamemersonal. Wala silang itinira sa'yo hindi ba? Pinakialaman na ang pizza at chicken na gusto mo ay nilimas pa ang hanggang sa kaliit liitang kahihiyang natitira sa pagkatao mo.

Kaya isa lamang ang ibig sabihin, malakas sila kaya nila nagawa iyon sa'yo.  Walang kang laban. Kaya tigil na, ok? Tigil na".

Bago pa man tayo lumayo at tuluyang ma carried away at ma out of context ang readers ng blog na ito ay ayon nga, himaying mabuti ang bawat salita upang maintindihan natin ang TUNAY na sinasabi at kahulugan nito at ng buong mensahe ng isang pangungusap. Katulad na lamang ng halimbawang ito;

Narinig ng gf ang kanyang bf na kausap mga barkada nya, "alam kong sensitive at hot ang gf ko mga tol kasi matagal ko na syang syota".  Iba ang nasa isip ng gf sa narinig.  Ano ba muna ang ibig sabihin ni bf sa hot at sa sensitive? Paano nya ito sinabi? Ang nasa isip ng gf ay sensitive sya pero wild naman sa  kama sutra;-).  Kaya ayon at nasaling ang pride at sinampal ang pobreng bf at sabay "break na tayo! Hindi ako hot sa kama sutra at lalong hindi isang santa santita!".  Hindi naman nakapag paliwanag na ang bf kasi nagulat sa lakas ng sampal. Ang tanging nasabi lamang nya ay "Ay adik pala sya"
 Kasi nga malamang ay hindi ganon ang ibig sabihin nya.  Depende na lamang  kung kiss and tell si bf.;-)

Ito pa ang isa:

May mag asawang lumipat sa isang lugar. Nagkaroon ng problema ang babae sapagkat halos lahat ng kapitbahay ay ayaw sa kanya. Dumating sa puntong nagsi self pity na ito at pakiramdam nya ay nagiisa sya sa mundo kapag pumapasok sa opisina ang kanyang mister. Dumating sa puntong naapektuhan na ang kanilang pagsasama. Naintindihan ni mister ang misis nya sapagkat alam nyang tama ito, hindi lamang sya naiintindihan ng mga kapitbahay na may pagka chismoso at chismosa din naman. Kaya naisipan nyang kausapin sila. Pagkatapos nito ay natuwa ang mister sapagkat sumangayon ang mga kapitbahay kaya na excite sya at tinext ang misis ng ganito, " Hon sinabi ko sa mga kapitbahay natin na may EGO ka, kasi nagbabasa ka ng libro ni Sigmund Freud. Sinabi ko rin na ikaw ay isang sensitive na misis." Sabay "hahaha". Ang hitad na misis pagkabasa ng text ay agad kumuha ng lubid at nagbigti. Tigbak.  Diba? Out of context. Pero sa kasong ito ay medyo wrong choice of words ang ikinaso ng korte sa mister
(laugh)

Ganon pa man ay mahalaga talaga na alamin natin muna ang mga ginamit na salita. Intindihin or else ay OUT OF CONTEXT ang peg.  Ganon din sa magsasabi. Dapat angkop na salita lamang kesa naman mahusgahan ka o mapunta sa hiwalayan dahil lamang sa isang......
MISINTERPRETATION.

Oo nga pala, ang mga parating na salita na galing sa mga mimoso at mimosang tao na isang dahilan din kung bakit nagkakaroon ng misinterpretation/misunderstanding ang magkakaibigan/magka sintahan/magka pamilya o mag asawa ay ibang punto naman iyon.  May pagkakahawig pero AHENTE SILA NG PAGKA OUT OF THE CONTEXT ng pinaparatingan nila.  Mga dalahirang mimoso at mimosa ng dekada na walang ginawa sa buhay nila kundi ang manira at magparating ng labis labis na salita na talo pa ang naluging inahing anay.

-fin

Comments