Miss, do you understand ?
"Eh di hiwalay kung hiwalay!". Karaniwang dito napupunta na nagmula lamang sa isang maliit na misunderstanding. Nagtalo. Isinarado ang isip ganon din ang puso sa pag alis. Nakakalungkot ano po? Natural sa atin ang laging naliligaw at mali ang pagka intindi sa mga salitang nakapa loob sa mga pangungusap, sinabi man o isinulat, lalo na kung ito ay may ibang kahulugan, highfalutin o isang jargon. Napakadaming hiwalayan na sa buong mundo ang nangyari dahil lamang sa mali ang pagkakaintindi o mali ang paggamit ng mga salita sa pangungusap. Katulad na lamang ng salitang SENSITIVE Isang adjective/pang uri na ang ibig sabihin ay ang kakayahan ng isang tao na maintindihan kung ano ang nararamdaman ng iba o kaya naman ay isang katangian na madali tayong naaapektuhan sa mga iniisip at sinasabi sa atin ng iba. Pansinin natin na dalawa ang kanyang ibig sabihin. Huwag na natin isama ang ibang meaning nito kapag ito ay isang NOUN. Hahaba at mas lalo lamang nakakalito. Ang unang...